ABS-CBN’s Tribute (video): “Magkasama tayo sa kwento ng Pasko”

0
66

Creative Account Managers: Danie Sedilla-Cruz, Sheryl Ramos, Edsel Misenas, Kathrina Sanchez, Dang Baldonado, Faith Zambrano
Editors: Con Ignacio, Bridge Sulit
Promo Specialists: Adrian Lim, Ian Faustino, Christine Estabillo, Love De Leon, Christine Joy Laxamana, Lawrence Arvin Sibug, Lourdes Parawan
Technical Producers: Jaime Porca, Jojo Medrano

[youtube id=”am3ycvrK_xk” width=”600″ height=”350″]

MAGKASAMA TAYO SA K’WENTO NG PASKO

Bawat Pasko’y may dalang himala
Malakas mang ulan ito’y titila
Bubuhos ang pagpapala
May kapiling ang nangungulila

Anumang lungkot tayo’y aahon
May lunas sa sugat ng kahapon
Sa isa’t isa’y mayrong paglingap
Mga pangarap ay muling magaganap

Muli pang sasaya ang kwento ng Pasko
Kahit ano pa man ay may daramay sa ‘yo
Ngayong Kapaskuhan ang pangako ko
Sa puso ko’y magkasama tayo

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko’t sa ‘yo
Sa ‘ting himig ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko’t sa ‘yo
Sa ‘ting himig, nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa kwento ng Pasko

Whoa-oh-oh
Kwento ng Pasko
Ang ‘yong mundo’y hindi gumuguho
Anumang unos hindi ka sumusuko
Dahil sa Panginoon ay
Nakakapit ka nang matibay

Madilim man ang kalangitan
May liwanag ang pagdiriwang
Dahil tayo ay tinitipon ng
Pagtutulungan at pagmamahalan

Muli pang sasaya ang kwento ng Pasko
Kahit ano pa man ay may daramay sa’yo
Ngayong Kapaskuhan ang pangako ko
Sa puso ko’y magkasama tayo

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko’t sa ‘yo
Sa ‘ting himig ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko’t sa ‘yo
Sa ‘ting himig, nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa kwento ng Pasko

Magbago man lahat sa mundo
Mananatili ang diwa ng Pasko
Ang pagpapala ay hindi mauubos
Himala ng Pasko ay hiwaga ng Diyos

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko’t sa ‘yo
Sa ‘ting himig ipagdiriwang ang pag-ibig
At ito ay tatawid sa buong daigdig

Sa iisang awit ngayong Pasko
Magkayakap ang tinig ko’t sa ‘yo
Sa ‘ting himig, nadarama na ang mahalaga
Ay magkasama tayo sa kwento ng Pasko

Loading...